Wednesday nang umaga. Maagang sinundo ni Xamuel si Ivory sa bahay dahil may check up siya sa ob-gyne. "Okay ka lang? You don't feel anything?" paninigurado ni Xamuel. Ngumiti lamang si Ivory at tumango. Pumasok na siya sa sasakyan. Sumunod din naman si Xamuel. As usual ay tahimik lang sila pero hindi na pareho noong nasa magkabilang dulo sila. Literal na magkatabi na sila ngayon. Napatingin siya kay Xamuel na may kausap na naman sa cellphone. Hindi na siya masyadong takot dito ngayon. Siguro kasi nakita niyang hindi naman talaga ito masama. Bahagya siyang napangiti pero agad din iyong nawala nang ibinaba ni Xamuel ang cellphone. Nag-iwas siya ng tingin at nagkagat labi. Sumandal na lang siya sa likod ng upuan at pilit na ipinikit ang mga mata kahit na gising na gising ang kanyang diw