The next week, balik sa dating routine si Ivory. Kapag weekdays ay naglalakad siya sa umaga tapos nanonood siya ng mga palabas pagkatapos. Natutulog, kumakain, nanonood, halos ganyan ang naging routine niya sa araw-araw. Medyo nasanay na rin siya sa presensya ni Xamuel tuwing gabi. Hindi na ganoon ka-awkward pero hindi pa rin sila nag-uusap. Nitong mga nakaraang araw din ay sobra ang pagkaadik niya sa mga streetfoods kaya naman si Xamuel ay palagi siyang pinapadalhan para pang-meryenda niya. Tuwang tuwa naman siya. Nasanay na lang din siya sa pabalik balik na routine niya araw araw. Kung minsan ay nakakachat niya naman si Jasmin pero hindi palagi dahil may trabaho naman ito. Pero mas maganda sana talaga kung nandito ang kaibigan niya at nang may makausap naman siya bukod kay Sally. An