Kinabukasan nagising si Ivory nang maaga. Kusot kusot niya pa ang mga mata nang bumangon. Akmang papasok na siya ng CR nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. Kumunot ang noo niya at naglakad papunta sa pintuan. Humikab siya at saka binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Cali. "Hi, Ivs! Sama ka sa medical mission?" tanong nito sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya at ngumuso. Napaisip siya. Ilang araw na rin naman siyang nakamukmok sa kwarto niya kung hindi siya niyayaya ng mga ito sa may dalampasigan. "Hmm sige. Pero pwedeng maligo muna ako?" Nagkamot siya ng ulo. Bahagyang tumawa si Cali. "Oo naman, no! Tsaka, mamayang nine pa naman ako pupunta. I'll be with Cairish and our friends. Si AJ kasi nauna na para sa maagang check up ng mga senior citizens," kwento pa