Bantayan Island - Cebu. "Hi, Ivory! Kain ka, o." Napangiti si Ivory nang ibinigay ni Cali ang isang paper plate sa kanya. "Ay, salamat," nahihiyang tugon niya at tinanggop iyon. Cali chuckled and sat beside her. Nasa dalampasigan sila. Pinilit siya nitong sumama sa mga ito dahil sayang naman daw kung magmumukmok lang siya sa hotel room niya. May ilang araw pa kasi siya rito. Kaso hindi niya naman kayang magsaya nang may problema siya sa Manila. Hindi rin siya mapapanatag pa. Bumuntong-hininga siya at nagsimulang kumain. "Nako, oo nga pala. Your boyfriend called my brother in law. Wow small world ha. Magka-brod pala sila." Kumunot ang kanyang noo at agad na lumingon kay Cali. "Ha?" Ngumiti ito at nagkibit balikat. "I mean magkasama sila sa iisang frat noon. You know fraternity