Quezon City- Manila. Padabog na hinampas ni Xamuel ang kanyang lamesa nang matapoa ang tawag nila ni Ivory. Bahagya pang napaatras si Jasmin nang kumalabog iyon at nagsibagsakan ang mga ballpen na naroon. Napalunok siya at dahan dahang lumapit sa galit na lalaki. "A-Ahh s-sir… iyong phone ko po," kinakabahang sambit niya at saka napalunok. Marahas na bumuga ng hininga si Xamuel at iniabot sa kanya ang cellphone. Napalunok ulit siya. "Uhm sir pa-" "Wait, Jasmin." Halos takasan siya ng hininga nang marinig ang malamig na boses ni Xamuel. "Y-Yes po?" Napalunok muli siya. Bumuntong hininga si Xamuel at tiningala siya. "Stay here first. I want you to tell me all the things about Ivory's aunt." Umawang ang bibig ni Jasmin. Napalunok na naman siya bago dahan dahang lumapit at umu