Ang akala ni Ivory ay babalik sila sa dati ni Xamuel matapos ang tagpong iyon sa kwarto niya pero mali siya. Simula noong gabing iyon ay naging mailap si Xamuel sa kanya. Hindi nga lang katulad noong nangyari noong hinalikan siya nito na naging awkward sila. Ngayon kasi ay talagang naging mailap ito sa kanya. Minsan na lang niya itong makita. Madalas ay nasa opisina ito. Sa pagkain naman ay hindi na sila nagkakasabay. Kung minsan ay tapoa na itong kumain pagkababa niya. Minsan ay pinapauna naman siya nitong kumain or kung hindi man ay patapos na itong kumain pag bumababa siya. Pinapansin naman siya nito at nginingitian pero halata pa ring iniiwasan siya nito. Hindi na lang niya iyon pinansin at hinayaan na lang din ito. Siguro mas mabuti nang ganoon na nga lang dahil sa totoo lang magi