Chapter 44 Amarha's P. O. V. 2 months later. Nakatitig lang ako kay Lisle habang busy sa kaniyang cellphone. Kakauwi lang namin galing sa OB dahil nagpa-ultrasound ako. Visible na ang gender ng baby. Ngunit may balak kami ni Lisle na isabay sa birthday ni Nathaniel ang gender reveal. Syempre, pati daw ako dapat ma-surprise kaya sinabi lang ng OB kay Lisle ang gender at hindi sa amin. "Sana mangawit ang panga mo," sabi ko kay Lisle habang nakangiti pa rin. Simula kanina nang malaman niya ang gender ay hindi siya tumitigil sa pagngiti. Tila ba nang-aasar siya. "Nasaan ang asawa ko?" nagulat ako sa sigaw ni Nathaniel mula sa pinto. Napalingon ako doon at binitawan ang hawak kong baso na may lamang gatas for pregnancy women. "Hi! Kamusta?" bati ko kay Nathaniel.