Chapter 43 Amarha's P. O. V. Hindi na bumalik pa sa mansion si Daniel. Narinig ko na bumukod na siya at nangailangan ng katulong, binigay ni Mrs. Joeryl si Sia para bantayan si Daniel at mag-update kay Mrs. Joeryl. "Gosh, hindi pa rin tapos ang mga say ng netizens kay Nathaniel," singhal ni Lisle habang naglalakad patungo sa amin na nakaupo sa hapagkainan. "Lilipas din 'yan. Ganoon naman lahat ng issue," ani Mr. Ruzzel. Kasama naming kumain ng umagahan si Mrs. Joeryl at Mr. Ruzzel. Nakaupo naman sa tabi ko si Nathaniel at sa tapat namin ay si Lisle. "Anak, I thought you're going back to school? Bakit hindi ka naman nag-enroll?" tanong ni Mrs. Joeryl. "Uhhmm... Actually, balak ko na lang mag-home schooling," aniya. "Bakit naman? Wala kang socialization noon," an