Chapter 39 Amarha's P. O. V. Nagulat ako nang makita ang napakadaming reporters sa labas ng bahay. Pinapaalis naman sila ng guard dito sa subdivision. May mga men in black naman na nakatayo sa harapan ng bahay. "Nadadamay pati ang career natin, many people are asking for my statement about our son," rinig kong sabi ni Mr. Ruzzel sa kaniyang asawa. "I cancelled all my appointments this week. Masyadong mainit sa social media ang mga netizens. Sobrang daming bumabatikos kay Nathaniel." Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang pagkirot nito. Rinig ang ingay mula sa labas at hanggang ngayon ay wala pa rin akong ganang kumain. Gusto kong umuwi kala Mama pero hindi ako makalabas. "Amarha, are you okay?" tanong ni Daniel habang papalapit sa akin. "A-Ahh... Sumaki