Chapter 38 Nathaniel's P. O. V. Kinabukasan ay hindi pa rin ako kinikibo ni Amarha. Ayaw niya akong kausapin. Sabi niya ay hindi pa siya handa na harapin ako. I don't want her to lose feelings for me just because someone is back stabbing me. Nakatitig lang ako sa laptop ko habang binabasa ang mga email ng madaming modelling companies na pinagtatrabahuhan ko bilang stylist. Lahat sila ay tinatanggal ako sa trabaho matapos ang pangalawang kahihiyan na kumakalat sa social media. "Nandito po si Mr. Ruzzel, hinahanap po kayo, sir," ani ng secretary ko. "Let him in," sambit ko. Bumukas ang pinto at naglakad si Dad papalapit sa akin. Napatayo naman ako, handa nang magbigay ng galang sa kaniya ngunit isang malakas na suntok ang natamo ko. "HINDI AKO NAGPALAKI NG BAKLA!"