Chapter 37 Amarha's P. O. V. Amoy na amoy ko si Nathaniel sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong mahimbing pa siyang natutulog sa tabi ko. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang mataas na sikat ng araw. Wala ba siyang pasok? Anong araw ba ngayon? Kinuha ko ang cellphone sa side table at nakita na sabado ngayon. Binitawan kong muli ang cellphone ko dahilan para makagawa ng ingay. Agad akong napatingin kay Nathaniel na kumilos. Hinawakan niya ang beywang ko at hinigit ako, niyakap niya ako nang mahigpit. Tinakpan ko naman ang dibdib ko dahil wala akong damit pang-itaas. "Good morning..." bulong nito sa tenga ko. Napangiti naman ako. Ang sweet naman niya. Mayroon pang pa-good morning. "Good morning, babangon na ba tayo?" tanong ko. "Let's stay