Chapter 36 Amarha's P. O. V. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'yung sinasabi ni Daniel. Ngayon ay hindi ako makatingin ng tuwid kay Nathaniel. Late na siyang nakauwi galing trabaho, halos alas-syete na ng gabi. Nauna nang kumain ng hapunan si Daniel at hindi ako sumabay sa kaniya dahil sa pagkailang. Pakiramdam ko ay may L.Q kami ni Daniel kahit hindi naman talaga kami. Wala kaming relasyon at walang namamagitan sa amin ni Daniel, parang ayoko rin magkaroon--pero long time crush ko siya--pero-- "HOY!" halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Nathaniel. "B-Bakit?" tanong ko at nag-iwas ng tingin. "Wala ka bang gana kumain, sis? Ayaw mo ba ng ulam? Do you want something else to eat or--" "Hindi! H-Hindi sa g-ganoon... May iniisip lang ako," bulong ko at muling