Chapter 35 Amarha's P. O. V. Late na ako nagising kaya hindi ko na naabutan si Nathaniel. It's already 9 in the morning at pakiramdam ko ay gusto ko na lang humiga sa kama buong araw. Ganito ba talaga kapag buntis? Tamad na tamad. Bumangon ako at naglagay ng skin care routine sa mukha ko na products din na ginagamit ni Nathaniel. "Fresh na buntis!" sabi ko at kumindat sa salamin. Nagtungo na ako sa kusina at naabutan ko si Manang na naglalagay ng boiled egg sa plato. "Good morning, Manang," pagbati ko para maagaw ko ang atensyon nito. Agad naman siyang napalingon sa akin at ngumiti. "Gising na pala ang magandang buntis. Mag-almusal ka na, anong oras na," aniya. Naupo ako sa upuan malapit kay Manang at pinanood siya. "Anong oras umalis si Nathan?" tanon