Chapter 34 Amarha's P. O. V. Habang nagpapasukan na ang mga guest sa loob ng venue ay nagulat kami nang biglang lumapit sa amin ang secretary ni Nathaniel na pawis na pawis at balisa. "Sir! I am really sorry, 'yung nakuha nating Emcee. He can't make it, sir. M-May sakit daw po..." Halata ang pagkailang sa boses ng secretary ni Nathaniel at tila ba takot na takot sa boss niya. Grabe matakot kay Nathan mga empleyado niya. Hindi nila alam sobrang lambot ng boss nila, kahit sa akin sobrang lambing. Naglilihi rin kaya siya? "Wait, let me ask for my Mom's---" hindi na natuloy ni Nathaniel ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang mikropono. Napatingin ang lahat ng tao sa stage. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Daniel. Lahat ng cellphone ng mga tao ay naka