Chapter 20

1304 Words

  Chapter 20 Amarha's P. O. V.   Nakapag-apply na ako. Umuwi ako para kumain ng tanghalian. Nasa process pa ang pag-apply ko kaya waiting pa ako kung ma-approve pa rin o mapupunta ako sa ibang department dahil buntis ako   "Heto po 'yung bayad, Manong," sambit ko sa trycicle driver at inabot ang pamasahe ko.   Bumaba ako sa trycicle at binuksan ang gate.   "SORRY PO! OUCH!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.   "NATHANIEL!"    Patakbo akong pumasok ng bahay, nakita kong nagkalat ang mga gawa sa plastik naming pinggan.   "Sorry po! Hindi ko na uulitin! Please stop!" sigaw ni Nathaniel.   Nakita kong may hawak na basyo ng galon si Mama at akmang ihahampas kay Nathaniel na nakaluhod sa harapan niya. Mabilis kong sinalo ang hampas ni Mama.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD