Chapter 21 Amarha's P. O. V. Habang umiinom ako ng gatas para sa baby ko ay halos masamid ako nang bigla kong nakita si Nathan na may wig na kulay blonde. Nandito ako ngayon sa kusina at gabi na kaya tahimik na ang mundo. "B-Bakit mo suot 'yan?" natatawa kong sambit. Mukha siyang babae sa buhok niya. Matipuno lang ang katawan niya pero kung sa mukha lang titignan, maganda siya. "I just tried it! Don't laugh at me!" aniya. "Baklang-bakla ka na naman," sabi ko at nilagay na ang baso sa sink. Nakita ko siyang kumuha ng tumbler niya sa ref at uminom. Bigla naman kaming nakarinig ng footsteps. Nanlaki ang mga mata ni Nathan at agad na hinubad ang wig saka mabilis na sinuot sa akin. "H-Hoy!" sambit ko. Wala akong nagawa. Napasimangot ako at napatingin sa pin