Chapter 22 Amarha's P. O. V. Nang matapos ang breakfast namin ay gumayak na ang mag-asawang Zialcita para umalis na naman. Mayroon silang teleserye na ginagawa at ipagpapatuloy na kaya nagtungo na silang muli sa Mindanao na destinasyon nila. "Mag-iingat kayo, Mom and Dad," ani Daniel. Ngumiti si Mrs. Joeryl habang si Manong driver nila ay kinuha na ang maleta niya at inilagay sa kotse. "Kayo rin, palagi kayong mag-iingat," aniya. Bago pa man lumabas ng main door si Mrs. Joeryl ay bigla naming narinig ang malakas na yapak ng kung sino. Nagulat kami nang makita namin si Sia na lumuluha habang tumatakbo papalapit sa amin. "Sia--" Bigla siyang lumuhod kay Mrs. Joeryl at umiyak. "W-What happened hija?" tanong ni Mrs. Joeryl. "M-Ma'am! K-kakapalan ko na ang