Chapter 23 Amarha's P. O. V. Habang busy ako sa cellphone ay biglang bumukas ang pinto kahit na ni-lock ko ito. Nakalimutan kong siya nga pala ang may-ari ng bahay na 'to, natural na mayroon siyang susi. "Amarha, kanina ka pa nagkukulong diyan, baka gutom ka na. I made you a lunch," aniya. Napataas ang kilay ko. May hawak na tray si Nathaniel na may lamang pagkain. "Made?" tanong ko. "Charot, si Manang ang nagluto syempre, I never cook, I don't have a talent in cooking so--" "Iwan mo na lang dyan," matamlay kong sabi. Napatigil siya at binaba sa study table ang tray ng pagkain. "I'm sorry, magagalit na naman sa akin si Daniel once he knew na nag-away na naman ta--" "ANO BA!? SELF SPACE!" sigaw ko. Wala siyang nagawa. Sinarado na niya ang pinto. P