LEO Nagising ako na nanginginig sa ibabaw ng kama ko at may balot na kumot. Nagtataka man kung paano ako nakauwi ng bahay ay bumangon pa rin ako. Kahit masakit ang buong katawan at umiikot ang paningin ko ay pinilit ko na tumayo. Kailangan na makainom ako ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Halos mangatog ang tuhod ko sa biglaang hakbang. Marahil ay dahil sa lamig ng paligid at nanghihina rin na katawan ko. "My god Leo, bakit bumangon ka na agad? Baka kung mapaano ka," nagmamadali na lumapit sa akin ang mommy ko. "Mom, tubig please," namamaos na pakiusap ko dahil tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "Diyos ko na naman Leo, tinakot mo kami kagabi ng dalhin ka rito ng mga kapatid mo ng walang malay. Akala ko kung ano ng masamang nangyari sa'yo. Next time anak hayaan mong samahan ka nam