LEO Matapos makaalis ng mga pulis na pumasok at naghalughog sa bahay namin ay naiwan kaming lahat sa sala. Kita ang relief sa mukha ni daddy at bakas ang pag-aalala sa mukha ng mommy ko. "Hun, paano ang gagawin natin ngayon? Nag-aalala ako sa inyo, sa'yo at sa mga anak natin," sabi ni mommy. Kinabig ito ni daddy sa bewang saka hinapit palapit dito at niyakap ng mahigpit. "Don't worry hun, kaya naming protektahan ang mga sarili namin. Akong bahala, okay?" narinig ko na sabi ni daddy kasabay ng paghalik nito sa ulo ng mommy ko. How I wish na ganito rin sana kami ni Yara. Kung 'di lang sana nawala ang asawa ko ng maaga ay sigurado ako na magiging tulad rin kami katatag sa mga magulang ko na matapang na haharap sa mundo at sa hamon ng buhay na magkasama. Sa naisip biglang naramdaman ko