LEO 2 years later. "Sir, may dumating po na mga sulat para po sa inyo," sabi ni Sergeant Cruz sabay abot ng dalawang envelope sa akin. Siya ang inutusan ko na pumunta sa main headquarters namin dito sa Tarlac para kumuha ng supply namin dito sa kampo kasama ang buddy nito. Naka-assign kasi kami ngayon sa isang maliit na bayan dito sa Pura, Tarlac. Nagkaroon ng biglaan na operasyon sa lugar dahil sa sunod-sunod na insidente ng engkwentro ng mga sundalo at rebelde sa lugar. Palibhasa maraming bundok sa lugar na ito ay dito napili ng mga rebelde na magkanlong. Sa loob ng dalawang toon, dito ako nalipat sa Luzon at halos maikot ko na ang lahat ng region dito pero hindi ko pa rin natagpuan si Lester Macaraig. Maging ang Central Agency na pinamunuan ni Ninong Arthur ay tumutulong na rin per