LEO Dinala ako ni Mommy Elina sa isang silid para makapag-pahinga dahil hindi ako nito pinayagan na tumayo ng matagal sa harap ng lamay ni Yara. Kahit ayaw ko ay napilitan ako na sundin siya ng dalawa na sila ng mommy ko na kumumbensi sa akin. Pumasok kami sa isang silid na hindi ko inaasahan ang mga makikita ko. Silid ito na inihanda ng pamilya ni Yara para sa kanya sa oras na makabalik siya sa kan'yang pamilya Halos hindi ko magawang magpaalam kay Ninang Elina dahil nasa mga bagay na nakita ko nakatutok ang atensyon ko. Lalong bumalong ang luha sa mga mata ko ng makita ko ang malaking larawan namin ng araw na kinasal kami. Sa palagay ko ay binigay ito ni daddy kay Ninong Macky at nilagay dito sa malaking frame sa harap ko. Dito, yakap ko ang asawa ko habang pareho kami na nakangit