LEO Lumipas ang dalawang araw ay pinayagan na akong lumabas ng ospital matapos masiguro ng doctor na stable na ako at walang kahit anong complications sa mga sugat na tinamo ko. Inilabas na rin sa morgue ang katawan ni Yara at kasalukuyang nakaburol sa bahay ng mga magulang nito dito sa New Manila. Mas gusto ng pamilya na sa huling sandali ng katawan ni Yara ay manatili ito sa bahay ng pamilya nito kahit ilang araw lang bago ito ilibing. Sa ganito man lamang ay nakauwi siya sa bahay na matagal ng naghihintay sa kan'ya, sa muling pagbabalik n'ya. Lahat kami ay puno ng paghihinagpis. Balot ng puting tela ang kabaong nito dahil sinunod ng pamilya ang desisyon ko na huwag itong ipa-cremate at hayaan na gano'n na lang kaya minabuti naming lahat na iburol ito. Ayaw ko ng dagdagan pa ang pa