YARA Isang mainit na halik sa leeg ko ang gumising sa akin. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay kilalang-kilala ko kung sino ang taong may kagagawan nito. Nakangiti na nag-mulat ako ng mga mata at nakita ko ang poging asawa ko na mataman na nakatitig sa akin habang marahan na hinaplos ang pisngi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito na ngayon ay sinusuklay ang magulong buhok ko. Tinaasan ko ito ng kilay ng makita na naka-full uniform na pala ito. "Papasok ka pala sana hindi mo na ako ginising," kunway inis na sabi ko. Ganitong oras kasi ay mas gusto kong matulog at ayaw na ayaw ko na iniistorbo ang gising ko. "Kakauwi ko lang po," malambing na sabi nito. Napabalikwas ako ng bangon, kung kakauwi lang nito sigurado na gabi na dahil alas singko ito kung lumabas ng trabaho.