LEO Hapon na ng matapos ang meeting ko sa mga opisyal ng barangay. Nag-request kasi ako ng full detailed report ng lahat ng nangyayari na mga engkwentro at iba pang kaguluhan dito sa lugar kasama na ang nakawan ng mga hayop. Bilang opisyal na nalipat dito ay kinakailangan na malaman ko ang bawat detalye ng mga krimen sa loob ng area of responsibility ko kasama na dito ang mga records ng mga pasaway na lasengo na madalas gumawa ng gulo. Katatapos lamang ng meeting ng biglang may tumawag sa akin. Nagulat man kung bakit biglang nakita ko sa screen ng cellphone na hawak ko ang pangalan ni Khen ay agad na sinagot ko ito. "Hello Cuz," sagot ko. "Leo, where are you?" mabilis na tanong nito sa kabilang linya. "Nasa meeting ako, may trabaho ako ngayon Khen-" hindi ko pa nasasabi ang lahat ng