YARA Maghapon na nagkulong ako sa loob ng kwarto namin ni Leo. Pinili ko na manatili na lamang dito dahil ayaw ko na makita ng mga kasama ko dito sa bahay ang malungkot na mukha ko. Isa pa, hindi ko kayang humarap sa kanila ng ganito ang pakiramdam ko. Masyado akong emosyonal na konting bagay lang ay baka bumigay ako. Ayaw ko na mangyari ang bagay na 'yon dahil alam ko na pahihirapan ko lamang ang sarili ko. Ayaw ko na rin na magsinungaling kung sakali na tanungin nila ako. Ni hindi na nga ako bumaba para kumain kanina. Nag-dahilan na lamang ako kanina na masama ang pakiramdam ko kaya maging si Mommy Bianca ay umakyat sa silid namin ni Leo para tingnan ako. Sobrang down ng pakiramdam ko na halos hindi ko malunok ang pagkain na nasa harap ko ngayong hapunan. Ang bagal ng oras at mag-is