Pinagmasdan n'ya ang suot na black and white one piece swimsuit. Lihim s'yang napangiti ng makita kung gaano kaganda sa kanya ang one piece swimsuit. It is so sexy, elegant and classy. "Marunong talagang mamili ang lalaking 'yon," bulong n'ya sa sarili, habang pinagmamasdan ang sariling katawan sa salamin. Kitang-kita n'ya ang tinatago n"yang magandang hubog na katawan. First time n'ya makasuot ng ganitong klasing damit, kaya s'ya mismo hindi n'ya alam kung anong meron sa katawan n'ya. At natutuwa s'ya sa nakikita n'ya sa sarili ngayon. Lumalim ang ngiti n'ya sa mga labi. Ito ang unang gabi nila bilang mag-asawa ni Gael, at handa s'ya sa ano mang mangyayari mamaya pagkatapos ng swimming nila. Alam n'ya sa sariling may lihim s'yang damdamin kay Gael, at kung isusuko n'ya ang sarili kay G