Gael's POV "Iba yata ang aura mo ngayon?" Bungad ni Gavin sa kanya ng puntahan ito sa opisina. "Ah? Anong aura naman 'yang sinasabi mo?" Tanong n'ya sa kapatid. At tinanggap ang kopitang iniaabot nito. "Kanina kapa nakangiti d'yan. Pagpasok mo pa lang dito nakangiti ka na," sagot ni Gavin at naupo ito sa ibabaw ng mesa. Nakangiti ba s'ya? Bakit hindi n'ya namalayan na nakangiti pala s'ya at iba ang aura n'ya ngayon. Dahil ba kay Anya? Walang nangyari sa kanila ng asawa kagabi, pero masaya s'ya at kontento s'ya. Nag swimming at kumain lang sila ng asawa sa may pool area, tila 'yon na ang munting celebrasyon nila bilang bagong kasal. Pagkatapos sa pool area, nakiusap s'ya sa asawa kung pwede matulog s'ya katabi nito. Noong una nag-alangan ang asawa sa gusto n'ya. Marahil natakot baka