"Ex?" Ulit n'ya habang nakatingin sa mga mata nito. Nalala n'ya noong una silang magkita ni Gael sinabi nitong wala itonf girlfriend at bakit daw ito mag i-stick sa isa kung marami naman daw pwede. Yan ang sinasagot ni Gael sa kanya. "Yes," amin nito na tila nagpipigil ng ngiti, samantala s'yang inis na inis na rito. "Ex mo kaya ka pala nag-aalala!" Inis na sabi n'ya at hinampas ang asawa sa dibdib at sinubukang lumayo rito, pero pinigilan s'ya ni Gael na umiwas. "Hey, hey, hey," pigil nito sa kanya at muli s'yang isinadal ng asawa sa dibdib nito at niyakap s'ya mula sa likod. "Normal na mag-alala ako dahil nahimatay s'ya sa loob ng building ko," paliwanag nito. Pinaikot n'ya ang mga mata at nais makawala kay Gael. "Normal din ba na ikaw ang magdala mismo sa kanya sa ospita?" "Anya,