“Salamat,” pasalamat niya nang iabot ni Gael ang puting polo long sleeve. “Magbihis ka na para makapagpahinga ka na,” tumango siya at naglakad palapit sa may pinto ng bathroom. Ramdam niya ang mga mata ni Gael na nakasunod sa kanya. Pagpasok sa loob, agad niyang sinara ang pintuan ng bathroom. Bigla niyang naalala na hindi pala niya abot ang zipper ng bestida sa likod. Si Jessa nga pala ang nagsara ng bestida na ‘yon kanina. “Aray,” daing niya, dahil hindi rin niya maalis. Hindi niya maitaas nang maayos ang mga braso, dahil sa sariwa pang mga gasgas. “Paano ba ‘to? Hindi naman ako pwedeng matulog na ito ang suot ko,” bulong niya. Marumi na ang damit dahil ilang beses siyang bumagsak sa kalsada kanina. Isama pa na hindi siya komportable sa suot na damit. Bumuntong-hininga siya a

