Kinabukasan, paggising niya, masakit ang buong katawan niya, isama pang kumikirot ang mga sugat na natamo niya kagabi. “Aray ko,” maiiyak sa sakit na sabi niya. Hindi niya maigalaw nang maayos ang mga kamay, isama pa ang pagkirot ng mga sugat sa binti. Marahil nabigla ang katawan niya sa mga nangyari kagabi kaya sumakit nang husto. Isama pa ang masakit na ulo niya. Pinilit niyang maupo sa kama, at sinalo ang nananakit na ulo. Paano siya makakapasok ngayon kung masama ang pakiramdam niya? Panigurado, masesermonan na naman siya sa head nurse nila bukas. Baka nga mas lalo siyang pag-initan ng head nurse nila na may edad na pero wala pa rin daw itong asawa. Kaya marahil laging mainit ang ulo nito, lalo na sa kanya. Namimilipit siya sa sakit nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan

