Isang tila napakahabang sandali ang lumipas. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa kaba habang naghihintay ng sasabihin ni Gael. “Just tell me the truth, Anya. I have all the reason to know the truth,” seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya. “You will soon carry my name. So may karapatan akong malaman kung ano ang totoong ginagawa mo sa bahay-aliwan na ‘yon? Kasama ang manyak na lalaking ‘yon!” may himig galit sa tono nito. Nais sana niyang mag-inarte muna na masakit pa ang katawan at ang mga sugat niya, para maiwasan ang mga tanong ni Gael. Pero mukhang hindi naman siya tatantanan nito. Mukhang hindi ito titigil hangga’t hindi nito nalalaman ang totoo. Kaya kailangan na niyang sabihin dito, at pakiusapan na lang na huwag nang idamay si Jessa sa nangyari. Isa

