Matapos nilang mag-usap ni Gael, nagpaalam itong aalis. Kung saan ito pupunta ay hindi nito sinabi. Pero malakas ang kutob niyang aasikasuhin nito ang kaso niya. At tungkol kay Jessa, pinakiusapan niya itong siya na ang bahala kay Jessa. Kailangan niyang makausap ang kaibigan at itanong dito kung bakit nito nagawa ang bagay na iyon sa kanya. Ang daming gumugulo sa isip niya. Ang mga nangyayari at mangyayari pa lang sa kanila ni Gael. Lalo na ang pagpayag niyang ikasal dito. Alam niyang sa pagpayag niya, may masisira siyang relasyon. Ang relasyon ni Gael at ni Julia. Pero gaya nga ng sabi ni Gael, wala itong relasyon kay Julia, tanging pinagkakasundo lang ang dalawa. Pero iba ang nakikita niya kay Julia, mula pa man noon. Nakikita na niyang may damdamin si Julia kay Gael, na handa i

