Gael-27

1336 Words

Pagkatapos makapagbihis, naupo siya sa headresser para suklayin ang mahaba niyang buhok. Kahit papano gumaan na ang pakiramdam niya. Medyo nawala na rin ang hapdi ng ibang sugat niya. Pati na ang masakit niyang katawan ay medyo umo-okay na rin. "Tapos ka na?" Si Gael, kakapasok pa lang nito sa pinto. Bakit ba lagi na lang itong sumusulpot, ni hindi man kumakatok, basta na lang pumapasok sa loob. Inis na bulong niya sa sarili. Lumakad ito palapit sa headresser, at sinuri ang suot niyang pambahay. Terno kasi suot niya, t-shirt at short na may haba hanggang sa may tuhod niya. Ganoon kasi siya magbihis sa bahay nila, minsan pa nga naka-pajama siya maghapon. Napansin niya ang pagkasuklam ni Gael sa suot niya. Eh ano namang magagawa niya, ganito talaga siya magbihis, sanay at komportable siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD