Gael-43

1266 Words

Matapos silang kumain at nailigpit ng waiter ang pinagkainan nila, lumapit naman ang isang lalaki na naka-itim. May bitbit itong wine at dalawang baso para sa kanila ni Gael. “Congratulations,” bati ng lalaki sa kanila matapos mailapag ang wine. Wala siyang idea sa mga wine, pero nakakasiguro siyang hindi lang basta-bastang wine ang nasa harapan nila ni Gael ngayon. Alam niyang kung itatanong niya ang presyo kay Gael, malulula siya. “Let’s drink,” yaya ni Gael at sinalinan ang baso niya. “Hindi naman ako umiinom.” “Don’t worry, hindi ka malalasing dito,” sagot ni Gael. Alanganin siyang ngumiti. Susubukan niya para naman malaman niya kung ano ang lasa ng wine. “Let’s celebrate this night, Anya,” sabi ni Gael sa kanya. “Anong okasyon?” nagtatakang tanong niya. “This,” sagot ni Gael

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD