Sinamahan siya ni Gael sa barangay kung saan dinala ang kapatid niya. Nang tawagan siya ng Tiyahing Daisy niya ay sinabing nakipag-away si Ariel sa loob ng subdivision kung saan sila nakatira. At dahil sinuntok daw ng kapatid ang kaaway, kaya umabot ang kapatid sa barangay. “Tiyang, Ariel,” nang makapasok sa loob ng barangay hall, kasunod si Gael. “Ano pong nangyari?” tanong niya sa Tiyahin. Nakayuko ang ulo ng kapatid nang lingunin niya. Nakaupo naman sa kabilang upuan ang binatilyo na marahil kaedad lang din ni Ariel at isang may edad na babae—baka nanay ng binatilyo. Napansin niyang nalipat ang atensyon ng mga tao roon kay Gael na nakatayo sa tabi niya. Marahil nakilala ng mga ito si Gael bilang isang Saavedra. “Ano po ba ang nangyari?” tanong ni Gael sa kapitan ng barangay. Pinali

