Kinakabahan siyang pumasok sa malaking bahay ng mga Saavedra. Ito na ang pangatlong pagtungtong niya sa mansyon ng mga Saavedra. Alam niyang hindi siya tanggap ng ama ni Gael. Napansin niya iyon noong gabi ng anniversary sa ospital—napansin niya ang pagka-disgusto sa ama ni Gael. Naiintindihan naman niya ito, dahil si Julia Santillan naman talaga ang nababagay kay Gael. Hindi niya alam kung para saan ang dinner na ito sa mansyon ng mga Saavedra. Next week na ang kasal nila ni Gael, pero alam niyang hindi para sa nalalapit nilang kasal ang dinner ng pamilya Saavedra. “Gael, Anya,” si Gavin ang sumalubong sa kanila pagpasok sa loob. Nginitian niya ang gwapong panganay ng mga Saavedra. Napansin si Ellise na nasa sofa nakaupo, at sa may kabila naman ang isa pang lalaki. Marahil ito ang p

