Buong biyahe silang walang kibuan ni Gael. Natatakot siyang matanong dahil sa galit na nakikita niya kay Gael. Napansin din niyang halos ibuhos ni Gael ang galit sa pagmamaneho. Pagdating sa bahay, sabay silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. “Gael, gusto mo bang kumain?” tanong niya pagkapasok nila. Hindi pa kasi sila kumakain. Bigla lang kasing nasira ang mood ni Gael. “Busog ako. Ikaw na lang ang kumain,” tugon nito at naglakad papuntang library. Nagkibit-balikat lang siya habang sinusundan ng tingin ang asawa. Mukhang hindi talaga nagustuhan ni Gael ang nangyari kanina. Sino ba ang Giovanni na ‘yon? At bakit kailangan itong mabigyan ng malaking share sa kompanya ng mga Saavedra? tanong niya sa sarili habang nagtutuloy sa kusina. Nagugutom siya kaya gagawa na lang siya

