Gael's POV "What?" Gulat na tanong n'ya ng sagutin ang tawag ng asawa sa cellphone n'ya. Sinabi ng asawa na nasa rooftop ito at hindi makababa, dahil naka lock ang pintuan. Hindi na n'ya natanong ang iba pang detalye, agad s'yang nagtatakbo palabas ng opisina pasakay na s'ya ng elevator ng mahagip ng mga mata si Lyn na naglalakad. Nakangiti ito habang naglalakad. Kumunot ang noo n'ya, at tinuloy ang pagsakay sa elevator. "Damn it!" Mura n'ya sa sarili, dahil sa pag-aalala sa asawa. Alam n'yang takot na takot na ngayon ang asawa na mag-isa sa rooftop at hindi makababa. Pakiramdam n'ya ang bagal ng pag-akyat ng elevator. Kinakabahan s'ya para sa asawa. Nang bumukas mabilis s'yang nagtatakbo paakyat sa hagdan at mabilis na binuksan ang pinti ng makaakyat s'ya. "Anya," sigaw n'ya ng makal