Kinagabihan habang kumakain sila ni Gael, hindi ma s'ya nakatiis na hindi sabihin sa asawa ang tungkol kay Lyn. "I told you, huwag mo ng pansinin si Lyn," tila balewalang sagot ni Gael. Nahinto s'ya sa pagkain at sinulyapan ang asawa na sa pagkain nakatuon ang pansin. "Gael," tawag n'ya sa asawa at binitiwan ang mga kubyertos. "I think she is following us," pagbibigay diin n'ya. "What for?" Tanong nito na hindi man s'ya linilingon. Inis n'yang sinandal ang likod sa upuan at tinignan ang asawang tila hindi naman interesado sa mga sinasabi n'ya. Nang mapansin ng asawa ang pananahimik n'ya ay sinulyapan s'ya nito. "What's wrong?" Tanong nito at uminom ng tubig. Iniling lang n'ya ang ulo. "Nothing," malamig na sagot n'ya. "Kumain ka na," sabi nito sa kanya. Bumuntong hininga lang