Matapos ang party at nagsialisan na ang mga bisita. Hindi n'ya masabi kung nag enjoy s'ya sa party o nasira ang party dahil kay Lyn. Inihiga na n'ya ang anak sa kuna nito ng makatulog. Sa silid nila natutulog anak pag andito sila sa Isla, pero nasa bahay sila sa San Sebastian may sariling silid ang anak roon kasama ang Yaya nito. "Tulog na ba s'ya?" Tanong ni Gael at linapitan s'ya, hinawakan s'ya sa bewang ng asawa pero umiwas s'ya. Inapit n'ya ang roba at mahigpit na tinali 'yon. Iiwasan muna n'ya ang asawa. Hindi n'ya nagustuhan ang nangyari kanina. Alam n'yang wala namang kasalanan ang asawa, itong si Lyn naman ang talaga nais manira ng araw nilang mag-asawa. Pero hindi pa rin mawala sa kanya ang mangamba. Maganda si Lyn at kahit sinong lalake at maaakit rito. May tiwala s'ya sa as