Pagdating sa bahay, tahimik siyang bumaba ng sasakyan. Alam niyang hindi pa tapos ang galit ni Gael sa kanya. Alam niyang sesermunan pa rin siya nito, ngayong nasa bahay na sila. “Anya!” tawag sa kanya ni Gael. Naihinto siya sa pagpasok sa pintuan ng bahay. “Mag-usap tayo. Sumunod ka sa akin sa library,” sabi nito. Hindi siya kumibo. Nauna na sa pagpasok ng pintuan si Gael. Bumuntong-hininga lang siya at kibit-balikat na sumunod dito papasok ng bahay. Alam niyang ang pag-uusapan nila ay tungkol kay Dylan. Tungkol sa pagiging malapit nila ni Dylan. At nakakasiguro siyang sasabihan siya ni Gael na layuan na si Dylan. Hindi niya gagawin ‘yon. Kaibigan na niya si Dylan. Isa pa, ito lang ang nakakausap niya nang maayos. Wala kasi siyang kaibigan. Pagpasok niya sa loob ng library, nakau

