Matapos ang duty n'ya at nakapag time out na. Wala pa si Gael, marahil nasa meeting pa ito. Sinabihan naman s'ya nitong maghintay sa opisina nito. "Uuwi ka na ba Anya?" tanong ni Camille ng makasabay ito palabas ng locker room. "Oo uuwi na din ako" nakangiting sagot n'ya at s'ya namang pasok ni Pamela. Huminto ito sa tapat nila. Tinignan s'ya at ngumisi. Isa si Pamela sa naka attend ng party kagabi, at ilang mga nasa mataas na posisyong nurses. "The lucky girl" tuya nito at pa iling-iling na nagtuloy sa pagpasok sa locker room. "Problema n'ya?" natatakang tanong ni Camille. "Huwag mo na lang pansinin" sagot n'ya. Alam naman n'yang kaya s'ya tinatawag na lucky girl ni Pamela ay dahil kay Gael. Pagdating sa looby agad nang nagpaalam si Camille, hinihintay na kasi ito ng boyfriend nit