Natapos ang party na hindi na n'ya muling nakita si Dylan. Nais pa naman sana n'yang mag sorry sa kagaspangan ni Gael. Mula nang magbalik sila ni Gael sa party ay wala na itong ginawa kung hindi uminom ng uminom. Pinagpapasalamat n'yang kinakausap sya ni Ellise ang asawa ng kapatid ni Gael na si Gavin, dahil kahit papano hindi s'ya nababagot at mabilis na lumipas ang oras. "Kaya mo bang mag drive?" tanong n'ya kay Gael ng pasakay na sila sa kotse nito. "I'm not drunk Anya" seryosong sagot nito, at sumakay na sa driver seat. Sumunod na rin s'yang sumakay sa passenger seat. "Ihahatid mo ba ko sa bahay?" tanong n'ya rito habang nagmamaneho ito. "No, mula ngayon, sa bahay ko na ikaw titira" "Ano?!" gulat na tanong n'ya. "Why? ikakasal na rin naman tayo, dapat lang na tumira ka na sa baha