Gael's POV Matapos silang nag almusal ng asawa, tinulungan n'ya ito sa pagliligpit ng pinagkainan. Bagay na sa buong buhay n'ya ay ngayon pa lang n'ya ginawa. Ginawa lang n'ya para sa asawa. Tanging kay Anya. Kaninang umaga hindi sinasadyang narinig n'ya ang sinabi ng asawa, sa pag aakala nitong natutulog pa s'ya. Narinig n'yang nagsabi ng I love you Gael sa kanya si Anya. Narinig n'ya ng malinaw at naramdaman din naman ng puso n'ya na totoo ang binubulong ng asawa. Nagkunwari na lang s'yang tulog para naman hindi mabiglang ang asawa. Isa pa hindi pa rin naman s'ya handang aminin ang totoong damdamin n'ya para sa asawa. Sa loob ng pagsasama nila ni Anya sa bahay n'ya ay aaminin n'yang nahuhulog s'ya sa asawa. May umuusbong na hindi n'ya maipaliwanag na damdamin, na sa buong buhay n'ya ay