“Hi,” bati ni Gael sa kanya nang makalapit. “Hi,” alanganin niyang bati. Nahihiya kasi siya sa bading na nag-aayos sa kanya. Baka isipin masyado siyang excited makita si Gael. “Not done yet?” tanong ni Gael nang makalapit at sinuri siya mula ulo hanggang paa. Lalo siyang nailang at naramdaman ang pagkabog ng dibdib niya. Napansin naman niya ang kakaibang ngiti ng bading, at palihim na sulyap kay Gael. “Almost done na siya, Mr. Saavedra,” sagot ng bading sabay pa-cute pa kay Gael. “Prepare na po namin ang dress,” sabi pa ng isang bading. Maya-maya lang, silang dalawa na lang ni Gael ang tao sa salon. Pumasok ang tatlo sa dressing room para i-prepare ang susuotin niya. “You look amazing,” anas ni Gael at lumapit sa kinauupuan niya. Nahihiya siyang ngumiti rito. Isama pa ang gwapo at i

