Maaga siyang nagising. Sinadya niyang magising nang maaga para makauwi habang tulog pa si Gael. Ayaw na muna kasi niyang makita at makausap ito. Nais niyang iwasan muna si Gael. Kagabi, halos hindi siya nakatulog sa kakaisip sa pinag-usapan nila. Ayaw niyang pati ang sarili niyang katawan ay ibigay niya kay Gael kapalit ng mga materyal na bagay at pera. Nasasaktan siyang isipin na hindi siya nalalayo sa mga babae sa bahay-aliwan. Pagdating sa bahay, nadatnan niya ang kapatid kasama ang mga kaibigan nito. Nanonood sila ng telebisyon. Busy naman ang tiyahin sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita. Natutuwa siya dahil nagbago ang trato ng tiyahin sa kanila mula nang magkaroon sila ng bahay at tumanggap ito ng pera kay Gael. Masaya siya sa nakikita niya, pero nalulungkot tuwing naiisip

