Gael-33

1569 Words

“Nag-enjoy ka ba?” tanong ni Gael sa kanya habang nasa loob ng sasakyan. “Oo, ang sarap kausap ni Ellise,” masigla niyang sagot. “Buti naman at nagkasundo kayo agad ni Ellise.” “Mabait kasi siya at hindi pinagmamalaki ang pagiging Saavedra niya,” sagot niya. ‘Yon ang napansin niya kay Ellise — napaka-down to earth. Parang magka-level lang sila kapag nakikipag-usap. “Would you want to stay at my house tonight?” tanong ni Gael. Nagulat siya at napalingon dito. Tinitigan siya nito at nagkatitigan sila. “Why?” tanong niya. Gusto muna niyang malaman kung ano ang dahilan at bakit gusto nitong mag-stay siya ngayong gabi. “To be honest, Anya… I miss you,” sagot nito habang nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, pero agad din siyang nakabawi. Hindi niya alam ang isasagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD