Halos hindi n'ya makuhang tumingin kay Gael ng deretso matapos nilang makapamili ng susuutin n'ya para sa anniversarry ng ospital bukas. Binilhan na din s'ya ng isa pang dress na isusuot n'ya ngayon gabi. Isasama daw kasi s'yang mag dinner sa bahay ng Kuya nito. Nais n'yang tumanggi pero hindi nalang n'ya ginawa. Iniiwasan n'yang may makarinig sa kanila. "Are you ok?" Tanong ni Gael ng makasakay na sila sa kotse nito. Pinauwi na n'ya ang driver at assistant nito at pinasakay s'ya sa dalang mamahaling kotse nito. "Ok lang" nahihiyang sagot n'ya. Habang hindi mapakali sa suot na bestida at ayos ng mukha. Pinaayusan kasi s'ya ni Gael sa stylish na naroon matapos s'yang mabihisan ng maganda. Alam n'yang bumagay sa kanya ang pinili ni Gael na casual dress na umabot hanggang sa ibabaw ng tuh