Gael-31

955 Words

Saktong alas kwatro nang dumating ang driver at assistant ni Gael sa bahay na tinutuluyan nila. “Saan ka pupunta, Ate?” tanong ni Ariel habang kumakain ng pizza. Binilhan niya ang kapatid kanina pagka-galing kay Jessa. At sakto namang pag-uwi niya, nasa bahay na rin si Ariel. Kaya nakapag-kwentuhan pa sila. Kitang-kita niya kung gaano kasigla ang kapatid habang nagkukwento tungkol sa mga kaibigan. Paano pa ba niya kukunin sa kapatid ang kumportableng buhay na nararanasan na nito ngayon? “May pinagagawa si Gael,” sagot niya at nagpaalam na sa kapatid. “Ate, Ate!” habol ni Ariel hanggang sa pintuan. “Ate, huwag mo nang pakawalan pa si Kuya Gael. Mabait siya, Ate, at nabibigay niya lahat ng kailangan natin.” “Ariel. Mamaya pagbalik ko, pag-usapan natin ‘yan,” sagot niya sa kapatid. Nai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD